SAN JOSE CITY - Isang 50-anyos na babaeng negosyante ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang anak makaraan silang holdapin at barilin ng tatlong hindi nakilala at magkakaangkas sa motorsiklo sa San Roque Street, Barangay Abar 1st sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Reynaldo Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang nasawing si Luby Velasquez, taga-Bgy. Abar 1st habang sugatan naman ang anak nitong so Jay Velasquez.

Dakong 6:15 ng gabi nitong Miyerkules at pauwi na ang mag-ina galing sa kanilang puwesto sa palengke nang bigla silang holdapin ng tatlong suspek at pinilit na agawin ang sling bag ng ginang kaya binaril sila. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog