SYDNEY (Reuters) — Umapaw ang mga ilog at binaha ang buong east coast ng Australia kahapon. Hindi madaanan ang mga kalsada at nag-akyatan ang mga residente sa mga bubungan ng kanilang bahay matapos ang pananalasa ng malakas na bagyo sa rehiyon.
Tumunog ang mga sirena bago magbukang-liwayway nang magsimulang umapaw ang Wilsons River. Pagputok ng araw may 25,000 katao sa Northern Rivers region ng estado ng New South Wales (NSW) ang nalubog sa baha.
“We have everything happening, we’ve got people on rooftops, we’ve had people stuck in vans, it’s a disaster, an utter disaster,” sabi ni NSW State Emergency Services Controller Ian Leckie sa Australian Broadcasting Corporation (ABC) radio.