Mga Laro Ngayon

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- UST vs UP (Men)

4 n.h. -- DLSU vs NU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

TARGET ng defending champion University of the Philippines na saluhan ang Katipunan rival Ateneo sa Final Four sa pakikipagtuos sa University of Santo Tomas ngayon sa UAAP Season 79 men's football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Walang gurlis sa second round, nasa ikalawang puwesto ang Fighting Maroons tangan ang 24 puntos, dalawang puntos ang agwat ng Blue Eagles, nakopo ang unang semifinal slot tangan ang 26 puntos.

Mangunguna sa UP sina Daniel Gadia at Ian Clariño, balik laro matapos ang kampanya sa National under-22 team, sa laro ganap na 2:00 ng hapon.

Magtutuos naman ang National University at De La Salle ganap na 4 ng hapon.

Kasama ang Growling Tigers sa three-way race sa ikalimang puwesto ng Bulldogs at Green Archers, kapwa may tig-13 puntos. (Marivic Awitan)