Sa rehas ang bagsak ng isang bangengeng lolo makaraang magwala at makumpiskahan ng hindi lisensiyadong baril sa Pasay City kahapon.

Nasa kustodiya na ng Police Community Precinct (PCP)-Station 2 si Restor Rebalde, 59, ng Apelo Cruz Street, Barangay 152, Malibay ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO2 Jerry Jubail, ng PCP 2-Malibay, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang nagwawalang matanda at may bitbit na baril sa 660 Compound, Apelo Cruz St., Bgy. 152.

Walang sinayang na oras ang mga pulis at agad nagtungo sa nasabing compound at sinita si Rebalde at narekober sa kanya ang isang cal. 45 baril at isang magazine na may dalawang bala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions).

(Bella Gamotea)