LIZA AT OGIE copy copy

DALAWANG taon na palang nagpapa-workshop ang talent manager/actor na si Ogie Diaz at ‘yung ibang nakitaan niya ng potential ay inaalok niyang maging artista at siya na rin mismo ang nagma-manage.

Kaya ngayon, karamihan sa mga teleserye ay may mga talent ang aming dating katoto.

Sina Aiko Melendez at Beverly Salviejo ang kanyang kinuhang acting coaches at si Marissa Sanchez naman ang voice coach sa taunang summer acting workshop ng OgieD Productions, Inc.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hmmm, sayang at hindi namin naitanong kung ipina-workshop niya si Liza Soberano kina Aiko at Beverly? Ano sa palagay mo, Bossing DMB?

(Matagal pinag-worshop ni Ogie si Liza pati na rin sa pagsasalita ng maayos na Tagalog, bagamat hindi pa noon sa sariling talent development agency niya, umabot din sa halos apat na taon. --DMB)

Kung may mga interesadong sumali sa program ng agency ni Ogie, kailangang 7- 40 years old, at maaring mag-email sa [email protected] para sa detalye at reservations.

Tamang-tama, puwedeng magpa-audition si Ogie ng gaganap na Ding para sa Darna movie na balitang si Liza ang top choice ng ABS-CBN management. ‘Pag nagkataon, dalawang bida sa pelikula alaga ng dating katoto.

Sino naman kaya ang gaganap na Narda? (Reggee Bonoan)