TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Kaagad na namatay ang isang 28-anyos na mister makaraang pagbabarilin sa tapat ng isang kapilya sa Barangay Poblasyon, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Linggo ng hapon.

Sinabi ni Senior Insp. Roel Abejero na posibleng may kinalaman sa love triangle ang pamamaslang kay Rolly Edzrael, 28, may asawa, ng Obra Subdivision, Bgy. Griño, Tacurong City.

Ayon sa pagsisiyasat, minamaneho ni Edzrael ang kanyang Kawasaki Boxer 150 motorcycle angkas ang asawa at anak nang hintuan sila ng isang gray na Ford Ranger, bumaba ang suspek at tatlong beses na binaril ang suspek. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito