Ni NORA CALDERON

Yen Santos
Yen Santos
ACTOR-PRODUCER si Piolo Pascual ng latest movie niya ngayon, ang Northern Lights: A Journey to Love, kasosyo ng kanyang Spring Films ang Regal Entertainment at Star Cinema. Katambal ni Piolo for the first time si Yen Santos. 

Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin nang sabihin ni Direk Dondon Santos na ang young star ang makakatambal niya.

“Parang nasubaybayan ko si Yen nang nagsisimula pa lamang siya, napanood ko na siya noon sa teleserye niya sa ABS-CBN at na-meet ko siya nang personal sa Magic Ball ng Star Magic,” kuwento ni Piolo.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Sabi ko, iba ang beauty niya, bihira ang artista na natural ang ganda at na’ kay Yen ‘yon, kaya I didn’t think twice nang malaman kong siya ang makakatambal ko. Matapos kaming magsama for two weeks ng shooting sa New Zealand, and dito sa atin, nakita ko kung paano siya umarte, kaya I know, she’ll go a long way.”

Marami ang nagsasabi na magugustuhan ng moviegoers ang story ng Northern Lights: A Journey to Love na tumatalakay sa relasyon ng mag-amang nagkalayo, kung paano sila muling magkakasama at kung paano tatanggapin ng bata (Raikko Mateo) ang kanyang ama.

“Matagal ko nang gustong makagawa ng ganitong klaseng pelikula kaya nagpasalamat ako kina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde na sa akin nila ibinigay ang pelikulang ito, plus si Direk Dondon Santos pa ang gumawa.

“Kaya naman gusto ko sanang malaman ng lahat ang bago naming pelikula. Kung p’wede lang mag-promote ako sa lahat ng channels, sa lahat ng schools para panoorin nila ang movie namin, gagawin ko.

“Alam kong malaking reward po para sa producers at sa lahat ng involved sa production kapag kumita ang pelikula namin. Business is business, kahit pa sabihin kong kapag gumagawa ako ng isang project, hindi ko iniisip ang return, basta gagawin ko ang lahat, gagawin ko ang nararapat. Pero iba pa rin kung panonoorin ng mga tao ang mga pinaghirapan mo at magugustuhan naman nila, at kikita sa box-office.”

Sa Wednesday, March 29 na ang showing ng Northern Lights: A Journey To Love in cinemas nationwide. Kasama nina Piolo, Yen at Raikko sina Jerald Napoles, Tirso Cruz III, Sandy Andolong, Maricar Reyes at Joel Torre.