Ni NITZ MIRALLES

Angel Locsin
Angel Locsin
MAY magaganap na protesta ng fans ni Angel Locsin dahil sa pag-aakalang inilaglag siya ng ABS-CBN sa pagganap bilang Darna sa gagawing pelikula ng Star Cinema. Nananawagan ang fans ng aktres na sumama at magkaisa sa protesta nila na mangyayari sa March 31, 12 PM. Kainitan, ha?

Tinawag na #AWalkForAngelLocsin ang protesta na magsisimula sa GMA compound corner EDSA papunta sa ABS-CBN. Nakasulat pa sa panawagan ang, “No Angel, No Darna. Angel Locsin is Physically Fit” at “Ibalik Ang Darna Kay Angel Locsin.”

Isang nagngangalang gelliette27 ang pasimuno sa walk protest at sinulat nitong, “Magkaisa tayo. I-voice out ang pagkadismaya natin! Join na tayo dito. Ipaglaban natin ang matagal nang inaasam natin, ang matagal nang ipinangako sa atin. #DarnaforAngelLocsinOnly #fightfortheright #dontgiveusfalsehope.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa nabasa naming comments sa Instagram ni gelliette27, may mga sasama sa walk protest. Pero mayroong mga hindi pabor dito. Pinagmumukha raw desperada at cheap si Angel at kinakalaban pa ng fans niya ang ABS-CBN.

Maganda ang argument ng isang fan ni Angel na kung tinanggap nang maayos ng aktres na hindi na siya puwedeng maging Darna, bakit hindi ito matanggap ng ibang fans niya?

Wala pang reaction si Angel tungkol sa isyung ito habang nag-deadline kami. Pero tiyak na makakarating sa kanya ang pinaplanong ito ng kanyang fans