BAGO itanghal ang inaaabangang concert nila sa SM Mall of Asia Arena, magpapasiklab at magbibigay muna ng matinding sampol ang Birit Queens na sina Morissette, Klarisse, Jona, at Angeline sa ASAP stage ngayong tanghali.
Abangan din ang pagsasama ng next generation singers na sina Frankie Pangilinan, Leila Alcasid, at Kiana Valenciano sa isang music collaboration at haharapin ng showbiz royalties na sina Donny Panglinan, Vitto Marquez, at Grae Fernandez kasama ang Kapamilya heartthrobs na sina Enrique Gil, Joshua Garcia, Jerome Ponce, at Ronnie Alonte ang ASAP Move Challenge.
Back-to-back treats ang handog nina Kathryn Bernardo, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Alex Diaz, at Sam Concepcion kasama sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. May pasabog birthday blowout si Janella Salvador at grand album launch naman mula kay Jona.
Bibigyang-pugay ng “ASAPinoy” ang mga awitin ni April Boy Regino sa pamamagitan nina Zsazsa Padilla, Antonette Taus, Lloyd Umali, Noven Belleza, at JC Regino pati na rin ang ASAP Kapamilyas na sina Angeline, Darren Espanto, Jolina Magdangal, Erik Santos, at Sarah Geronimo.
Tuluy-tuloy rin ang party kasama ang hottest love teams nina Liza Soberano at Enrique Gil, Julia Barretto at Ronnie Alonte, at Loisa Andalio at Jameson Blake. Ihanda rin ang sarili sa surprise treat mula sa stars ng pelikulang Northern Lights na sina Yen Santos, Raikko Matteo, at Piolo Pascual.