Pia Wurtzbach_FOR BANNER copy

MAINIT pa ring usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz ang announcement ng Star Cinema head na si Ms. Malou Santos at statement ng ABS-CBN Corporate PR na hindi na si Angel Locsin ang gaganap bilang Darna, ang beloved Pinay superhero. 

Paborito pa naman ni Direk Erik Matti si Angel to play Darna kesehodang naghintay ito ng ilang taon para tuluyang gumaling sa pagpapagamot ang aktres na nagpaopera at pabalik-balik sa ospital sa Singapore sa tinamong back injury noon sa isa nitong project sa Kapamilya Network.

Nagbigay na ng final word ang kanyang mga espesyalistang doktor na hindi na siya puwedeng sumali sa activities na magpapasama pa lalo sa kanyang kondisyon at iniindang sakit sa likod. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil health o buhay na mismo ang nakasalalay, mas pinahalagahan ito ng Kapamilya bossing at ng aktres kaysa tumuloy sa project.

Siyempre pang biglang nabuhayan ng pag-asa ang fans ng iba pang aktres gaya nina Jessy Mendiola, Sarah Geronimo, Nadine Lustre, Maja Salvador, Yassi Pressman at Liza Soberano na baka ang isa sa kanila ang ipalit kay Angel.

Pero humahabol din ang kaseksihan at beauty ng ating 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nagpasabing interesado rin siya sa naturang role.

Sa mainit na suporta ng fans ni Pia sa social media, muling nai-post ang naging Q and A portion niya sa Twitter with fans na isa ito sa mga naitanong.

Natuwa ang fans sa sagot na ito ni Pia: “Yes, I would love to play the Pinay version of superwoman Darna.”  

Kumpirmasyon ito na join siya sa mga nag-a-aspire for the role.

Kaya wait na lang sa resulta ng magiging meeting ng Star Cinema at ni Direk Erik, kung sino sa mga aktres natin ang kanilang masuwerteng mapupusuan bilang susunod na Darna. (Ador Saluta)