Muling umatake ang pesteng “cocolisap” sa mahigit 100,000 puno ng niyog sa Zamboanga City, ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA).
Inihayag ni Rogelio Flores, Jr., development officer ng PCA, na inaasahang lalala pa ang problema sa naturang peste dahil na rin sa nalalapit na pagpasok ng tag-init sa bansa.
Aniya, ang kawalan ng ulan ay magbibigay pa ng “sakit ng ulo” sa mga magniniyog sa lugar, habang pinoproblema rin ang pagkukuhanan ng mga kemikal na ipanlalaban sa peste.
Sinabi ni Flores na aabot na sa 112,117 puno ng niyog sa 51 na barangay sa lungsod ang pinepeste ng cocolisap.
(Rommel P. Tabbad)