ATHENS, Greece (AP) – Nadiskubre at naharang ng mga pulis sa Greece ang walong parcel bomb, na naka-address sa mga opisyal ng European Union at mga negosyo sa iba’t ibang bansa sa Europe, sa isang postal sorting office malapit sa Athens.

Natuklasan ito nitong Lunes kasunod ng mga ipinadalang letter bomb noong nakaraang linggo sa German Finance Ministry at sa opisina sa Paris ng International Monetary Fund, kung saan isang staff ang nasugatan sa maliit na pagsabog.

Inako ng Greek militant group na Conspiracy Cells of Fire, ang German attack. Bahagi diumano ito ng kampanya ng karahasan ng mga international anarchist group.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na