ISULAN, Sultan Kudarat – Isang high-value target sa droga ang napatay at tatlong iba pa ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (PPO) sa mga bayan ng Bagumbayan at Lambayong.

Sa ulat kay SKPPO director, Senior Supt. Raul S. Supiter, napatay sa buy-bust sa Barangay Nakan, Bagumbayan, si Omar Tungkayo Ambas, nasa hustong gulang, at residente ng Sto. Niño, South Cotabato.

Nakuha umano mula kay Ambas ang isang paltik, isang 12-gauge shotgun at mga bala, at dalawang malalaking sachet ng hinihinalang shabu.

Naaresto naman sa raid sa Bgy. Poblasyon, Lambayong, si Sultan Kudarat sina Modzack Mopac Akmad, isang kinilala lamang bilang Kapitan Biang at menor de edad nitong anak.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasamsam mula sa tatlo ang tatlonghinihinalang nakaw na motorsiklo, na nasa compartment ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, dalawang .45 caliber pistol at isang .9mm caliber pistol. (Leo P. Diaz)