Tuluyan nang nadakip ng Parañaque City Police (PCP) ang Top 9 Most Wanted Person sa lungsod, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Parañaque City Police chief Senior Supt. Jemar Modequillo ang akusadong si Boyet Rodriguez, alyas “Rodrigo Rodriguez y Nagala”, 59, ng Lower Barangay San Antonio Valley 1, Parañaque City.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong 5:00 ng hapon pinuntahan at inaresto ng mga pulis si Rodriguez sa kanyang tirahan matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay ng kasong robbery.

Idiniretso si Rodriguez sa pulisya at pansamantalang ikinulong sa PCP. (Bella Gamotea)

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA