Ni Ador Saluta

Sofia Andres
Sofia Andres
DAHIL sa success ng Pwera Usog, may follow-up film si Sofia Andres sa susunod na buwan sa Regal Films uli. Uunahin daw muna niyang tapusin ang Bloody Crayons, under Star Cinema na nauna na niyang naikompromiso.

Nagpapasalamat si Sofia sa tagumpay ng Pwera Usog na itinuturing niyang hudyat para lalo pang pagbutihin ang trabaho.

“At first we’re not expecting too much kasi parang fun horror film. So now we’re getting a lot of good comments on Twitter, most especially. Nakaka-overwhelm ‘tsaka nakahinga ng maluwag sa lahat ng pinaghirapan namin,” sey ng teen actress.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Malaking tulong daw ang naging chemistry niya with her co-stars.

“Nakatulong rin kasi it’s really fun to work with Joseph Marco, Devon Seron, ‘yun kasi ang importante, eh. You love what you’re doing ‘tsaka sila very down-to-earth. Hindi ka maiilang to act in front of them.”

Labis-labis ang pasasalamat ni Sofia sa malakas na ticket sales at rave reviews sa pelikula nila.

“Nakikita nila kung ano ang pinaghandaan namin, kung saan kami nag-focus. It was really challenging for us kasi it’s my first horror film.”

Mukhang  mas challenging at kaabang-abang ang Bloody Crayons dahil makakasama niya ang nali-link sa kanyang si Diego Loyzaga bukod pa kina Maris Racal, Yves Flores, at ang member ng Hastags ng It’s Showtime na si Ronnie Alonte.