IMG_9817 copy

HINDI na maitatago nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao ang pagkakamabutihan nila dahil kamakailan ay nakita silang kumain sa Bellini’s Caffe sa Sto. Niño, Marikina City.

Dahil parehong sikat, nagpa-picture sa kanila ang chef at waiter ng nasabing restaurant habang ang mga kamay nina Piolo at Shaina ay nasa likod, pero nahagip ng kamera na magka-holding hands sila.

Naaliw kami dahil para silang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na parating nasa likod ang mga kamay na laging magkahawak. Tinatawag na tuloy silang ShaiLo love team ngayon.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Anyway, ang isa pang dahilan kaya palagi silang magkasama ay dahil may ginagawa pala silang indie film na si Lav Diaz ang direktor. 

Hindi pa namin alam kung ano ang titulo, pero base sa IG post ni @hpolloi, “In good company #hugo #lorena #lavdiazfilm#piolopascual #shainamagdayao #shailo#piololavshaina.”

Hmmm, sana sagutin ni Piolo ang mga uusisain ng reporters sa kanya ngayong tanghali sa pocket presscon niya para sa Northern Lights kasama sina Raikko Mateo at Yen Santos. Ipalalabas na sa Marso 29 ang pelikula nilang ito na co-produced ng Regal Entertainment, Spring Films at Star Cinema mula sa direksiyon ni Dondon Santos. (REGGEE BONOAN)