TEAM 'MEANT TO BE' copy

ANG laki ng problema ng writers ng Meant To Be dahil nag-aaway-away ang fans ng leading men na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto kung kanino dapat mapunta sa ending si Barbie Forteza. Kanya-kanya sila ng depensa kung bakit dapat mapunta si Billie (Barbie) kay Yuan (Ken), kay Ethan (Ivan), kay Jai (Addy) at kay Andoy (Jak).

Ang hindi lang maganda, pinipersonal ng ibang grupo ng fans ang away nila. Below the belt kung makabanat kay Ken ang iba, pero hindi na nagpapatinag ang aktor sa mga paninira. Klasik ang sinabi niyang, “Kung magpapaapekto ako sa tsismis, wala na ako sa showbiz sa rami nang inisyu sa akin.”

Kailangang dedmahin ni Ken ang mga tsismis sa kanya dahil breadwinner siya ng kanyang pamilya for five years now.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hindi na puwedeng magtrabaho ang kanyang ama na sumailalim sa kidney transplant, kaya siya ang kumakayod. Pati pag-aaral ng dalawang kapatid, sagot niya.

Habang nagkakagulo ang fans, kampante lang si Barbie, naghihintay lang siya ng script, pag-aaralan at iaarte ito.

Curious lang, may say kaya si Barbie kung sino ang makakapareha niya sa ending ng Meant To Be? Kasama kasi siya sa namili sa apat, part siya ng audition team, sa ending kaya makialam din siya?

Samantala, muling masusubukan ang hatak sa tao ng cast ng Meant To Be sa mall show nila ngayon, 5 PM, sa Robinsons Gen. Trias, Cavite. Noong March 12, sa SM City San Jose Del Monte sa Bulacan, umabot sa 15,000 ang fans na pumunta para makita sila. Matapatan kaya mamaya ang daming ‘yun ng tao? (NITZ MIRALLES)