CONCEPCION, Tarlac – Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang 36-anyos na lalaki matapos siyang magwala at ilang beses na magpaputok ng baril sa Barangay Castillo, Concepcion, Tarlac, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO1 Emil Sy, inaresto si Cesar Bautista, binata, ng nasabing barangay, matapos na magwala at ilang beses na magpaputok ng baril.

Nakumpiska mula kay Bautista ang isang .38 caliber revolver na kargado ng mga bala, bukod pa sa nasamsam sa kanyang bahay: isang 12-gauge shotgun, isang bala ng .357 revolver, pitong bala ng shotgun at iba pa, na pawang mga kaukulang papeles. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog