MARAMI ang humahanga sa beauty ng Starstruck VI Ultimate Female survivor na si Klea Pineda. Gusto ng Kapuso fans ang kanyang charm at fierceness sa mga palabas sa telebisyon.
Napapanood si Klea bilang Muyak sa Encantadia, ang isa sa blessings na ipinagpapasalamat niya ngayong taon.
Dahil nalalapit na ang kanyang 18th birthday, naghahanda na si Klea para sa kanyang party na ayon sa kanya ay siya mismo ang nag-ayos. Aniya, mas gusto niyang magpasalamat sa lahat ng natanggap niyang blessings kaysa mag-wish pa.
Marami na naman ang nabibighani sa napakagandang kinalabasan ng kanyang pre-debut shoot. Puwedeng-puwedeng beauty queen ang dalaga, komento ng kanyang mga tagahanga.