ISULAN, Sultan Kudarat – Tinutugis ngayon ng pulisya ang walong katao na umano’y nanloob at nagnakaw sa bahay ng isang retiradong pulis sa Barangay Kalasuyan, Kidapawan City, North Cotabato.

Ayon sa imbestigasyon, nagpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga armadong suspek kay Reinando Denampo, retiradong pulis at dating barangay chairman sa Bgy. Tagbak, Magpet Cotabato, para mapasok at mahalughog ang kanyang bahay.

Sinabi ni Denampo na natangay ng mga suspek ang pera at mga gamit na aabot sa P1 milyon, gayundin ang limang iba’t iba at pawang lisensiyado niyang baril at ilang electronic gadget, bago tumakas sakay sa isang Toyota Fortuner.

(Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog