HILLARY AT LUCA copy

MAGIGING cover ng upcoming na Redbook magazine si Hillary Duff at malaya niyang ibinahagi ang kanyang pakikipagdiborsiyo kamakailan at ang pagiging single mother.

Mayroon anak si Hillary, si Luca, 4, sa kanyang dating asawa na si Mike Comrie. Ikinasal sila noong 2010 at tuluyan nang nagdiborsiyo noong Pebrero 2016, bagamat sa kabila ng paghihiwalay ay patuloy silang naging mabuting magulang kay Luca.

Ibinahagi niya sa Redbook ang benepisyo ng pagkakaroon ng pantay na kustodiya sa bata. “I had Luca by myself for a few weeks, no help, when Mike was on the road, and when he got home I was like, ‘He’s yours! Bye! You get a break from your kid because you share him.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero hindi nito nabago ang kanyang perspektibo sa pagiging single. “I’m divorced, and it sucks. Well, it did suck for a while; now it’s just normal.”

Nahihirapan din siya sa pressure ng pagiging babae lalo na sa mga inaasahan ng mga taong nakapaligid sa kanya, bagamat may magandang perspektibo siya tungkol dito. Aniya, “You get engaged: ‘When’s the wedding?’ You get married:

‘When’s the baby?’ You have a baby: ‘When’s the next one?’ …I’m cherishing the now.”

Tila suwerte namang masaya si Hillary sa piling ng kanyang boyfriend na si Matthew Koma, ngunit mayroon din siyang hindi magandang kuwento tungkol sa pagdi-date. Kuwento niya, “I never think being single sucks until I go out in L.A. with my girlfriends and the options are terrible.” (Yahoo Celebrity)