BRASÍLIA (AFP) – Nais ng prosecutor general ng Brazil na imbestigahan ang mahigit 100 politiko kaugnay sa malawakang imbestigasyon ng kurapsiyon sa Petrobras, sinabi ng impormante nitong Huwebes.

Nananatiling lihim ang huling listahan ng mga suspek sa kontrobersiyal na kaso sa multinational petroleum corporation na nakabase sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ngunit nagsalita sa kondisyong hindi siya pangangalanan, sinabi ng impormante na ‘’probably... more than 100’’ politiko na kasalukuyang mga miyembro ng Congress o mga cabinet minister ang sabit dito.

Iniulat ng ilang Brazilian news sites na sangkot din ang limang minister sa gobyerno ni President Michel Temer, ang katatalagang si foreign minister Aloysio Nunes, at ang mga pangulo ng dalawang kapulungan ng Congress. Nasa listahan din ang mga dating pangulo na sina Dilma Rousseff at Luiz Inacio Lula da Silva.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na