ROSARIO, Batangas - Nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang isang most wanted sa panggagahasa sa isang menor de edad matapos arestuhin sa Rosario, Batangas.

Pangatlo most wanted persons ng Talisay Police si Carlito Lunar, 57, na itinuturong humalay sa isang 11-anyos na babae noong Mayo at Nobyembre 2014 sa bayan ng Talisay.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:00 ng umaga nitong Martes nang madakip si Lunar sa Barangay Poblacion 3, Rosario.

Ang pag-aresto ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marjorie Uyengco-Nolasco, ng Regional Trial Court, Branch 83, Tanauan City para sa dalawang bilang ng rape. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog