Janella at Elmo copy

MUKHANG totoo ang tsismis na may relasyon na sina Elmo Magalona at Janella Salvador dahil namataan silang kampanteng magkasama sa isang ice cream parlor sa may UP Town Center noong isang araw.

Wala namang taping ang dalawa na nagulat nang mapansin na may mga netizen nang kumukuha ng litrato nila. Nakilala pa rin ang aktor kahit pa naka-shades at cap kaya nagmadali na silang pumasok ni Janella sa Cold Stone.

Gusto rin sigurong ma-enjoy ng mga bagets ang pamamasyal na magkasama tulad ng mga kaedad nila, pero sumisikat na rin ang love team nila kaya natutuwa siyempre ang mga nakakakita ng personal sa kanila.

Trending

VIRAL: Babaeng bagong panganak, hindi naisipang bilhan ng pagkain ng asawa: 'Sorry lab, sa akin lang to'

Ang nakakatuwa, grupo ng fans ng mas established nang love team na slightly senior ang nakakita kina Elmo at Janella.

May upcoming teleserye ang ElNella love team kasama si Nash Aguas pero hindi pa inilalabas ng Dreamscape ang titulo at storyline nito.

Boto siguro ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio kay Elmo dahil pinapayagan niyang lumabas ang dalawa kumpara sa ibang manliligaw noon ng anak na talagang nakabantay siya at hinihigpitan ang dalaga. (REGGEE BONOAN)