SYDNEY (AP) – Hindi mapipigilan ng pagbawas sa polusyon at pagsupil sa overfishing ang matinding bleaching na mabilis na pinapatay ang coral, ayon sa isang pag-aaral sa Great Barrier Reef ng Australia. Sa huli, sinabi ng mga mananaliksik na ang natatanging paraan para masagip ang coral ng mundo sa bleaching na dulot na pag-init ng dagat ay ang labanan ang global warming.

Maagap namang ipinaalala ng mga scientist na makatutulong ang papoprotekta sa mga napinsalang coral upang makabawi sa stress ng tumataas na temperatura ng karagatan. Ngunit ipinakikita ng mga bagong pananaliksik na ang mga ganitong pagsisikap ay balewala rin pagdating sa pagpigil sa bleaching.

“We don’t have any tools to climate-proof corals,’’ sabi ni Terry Hughes, director ng ARC Center of Excellence for Coral Reef Studies sa Australia at lead author ng pag-aaral na inilathala nitong Huwebes sa Nature journal. “That’s a bit sobering. We can’t stop bleaching locally. We actually have to do something about climate change.’’

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na