DETERMINADO ang San Beda College na muling mabawi ang titulo na dalawang taon nang mailap sa kanila matapos igupo ang Fil-Am Sports USA, 80-76 para sa ikalawang sunod na panalo sa Division 1 finals ng 10th SM NBTC League National High School Championships sa MOA Arena sa Pasay City.

Nagtala ng 16 puntos, apat na rebound at isang assist si Josh Tagala.

Nauna rito, iginupo ng Red Cubs sa pangunguna ni Prince Etrata na umiskor ng 16 puntos, siyam na rebound at apat na assist ang kanilang 2015 tormentor Sacred Heart School -Ateneo de Cebu, 76-59, nitong Lunes ng gabi.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Magic Eagles sa markang 1-1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauwi naman sa wala ang game-high 27 puntos at 13 rebound ni Kameka Hepa sa Fil-Am Sports USA.

Sa iba pang laro, nakabawi ang Crossover Sports-Canada sa 80-84 kabiguan sa kamay ng NCAA champion Mapua sa opening day matapos payukurin ang Camp David -New Zealand,102-68.

Humakot ng 19 puntos si Evyn Santiago.

Naiposte ng reigning Division 2 champion De La Salle -Lipa ang ikalawang sunod na panalo matapos durugin ang Langatian National High School ng Dipolog, 88-24.

Nakopo naman ng Notre Dame of Midsayap ng Kidapawan City ang ikalawang panalo nang pabagsakin ang St. Louis College -Mandaue, 54-46. (Marivic Awitan)