CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Binaril at napatay ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang isang kolumnista sa tabloid at dating commentator ng DYNA Masbate, bandang 8:45 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang biktimang si Joaquin Briones, Jr. y Ancajas, alyas “Dos Por Dos”, kolumnista ng Remate at residente ng Barangay Bacolod, Milagros, Masbate.

Ayon sa paunang imbestigasyon, sakay si Briones sa kanyang motorsiklo nang apat na beses na binaril sa likod ng dalawang suspek, na sakay naman sa pulang Honda XRM motorcycle.

“According to the spot report, nung sumakay ‘yung biktima sa kanyang motor ay sinundan naman ng dalawang naka-motor din na kulay pulang Honda XRM, na walang plate number. Pagdating sa Sitio Feeder Road, sa Barangay Bacolod, saka pinagbabaril ‘yung biktima sa kanyang likod,” sabi ni Calubaquib.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Calubaquib sa Balita na si Briones ay isang dating commentator ng lokal na himpilan ng radyo na DYNA.

“Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam pa natin ‘yung posibleng anggulo ng krimen,” sabi ni Calubaquib.

(Niño N. Luces)