Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ni Julius Segovia, ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes ay magtatapyas ito ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene, 60 sentimos sa diesel, at 35 sentimos naman sa gasolina.

Kaagad namang sumunod ang PTT Philippines, na may kaparehong bawas-presyo sa diesel at gasolina, ngayong 6:00 ng umaga.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na bawas presyo sa petrolyo.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Marso 7 nang nagpatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis: 55 sentimos sa kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa kerosene at 10 sentimos sa diesel. (Bella Gamotea)