IPINOST ni Kylie Padilla sa Instagram ang selfie niya na kita ang kanyang baby bump. Malaki na ang tiyan ni Kylie, dahil five months na ang kanyang pagbubuntis sa first baby nila ng partner niyang si Aljur Abrenica.
Sunday ipinost ni Kylie ang kanyang selfie, pero agad ding dinelete. Hindi tuloy nakita ng karamihan sa followers niya ang kanyang malaki nang tiyan. Nagtaka ang mga ito kung bakit niya dinelete ang maganda pa naman niyang picture.
Nag-post din si Kylie ng librong The Princess Diaries at ang daliri na suot ang engagement ring lang ang kita.
Karamihan sa comments, nami-miss na si Kylie na mapanood sa Encantadia bilang si Reyna Amihan. Umaasa ang fans niya na pagkapanganak ay babalik din siya sa fantaserye.
Kaya lang, July pa manganganak si Kylie at hanggang April na lang daw ang Encantadia. Sad to say, wala na siyang babalikang show.
Samantala, bumisita si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa set ng Encantadia at nag-treat ito ng Japanese food kay Direk Mark Reyes, sa staff at sa buong cast. Hindi nabanggit ni Direk Mark ang dahilan ng pagbisita ni Mayor Herbert o baka gusto lang nitong makipagtsikahan sa mga taga-Encantadia. (Nitz Miralles)