TALISAY CITY, Cebu – Isang umano’y pangunahing supplier ng droga sa Central Visayas ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 7, at nakumpiskahan pa ng limang kilo ng shabu.

Inaresto si Marvin Abelgas, 27, sa loob ng kanyang bahay sa Deca Homes, Talisay City, at nasamsam sa kanya ang 10 malalaking pakete ng shabu, isang medium pack, at tatlong maliliit na sachet na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P20 milyon.

Ayon sa mga source, konektado umano si Abelgas sa big-time drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz, na napatay sa Las Piñas City noong nakaraang taon, ngunit pinabulaanan naman ito ni Abelgas.

Kinumpirma ni PDEA-7 Director Yogi Felimon Ruiz na isang high-value target si Abelgas bilang isang Level 3 pusher. (Mars W. Mosqueda, Jr.)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?