LLANERA, Nueva Ecija - Isang Indian na nagpapautang ng “5-6” ang umano’y dinukot ng mga hindi nakilalang lalaki sa Llanera, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Senior Insp. Jonathan Romero, hepe ng Llanera Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director, Senior Supt. Antonio C. Yarra, dinukot si Harvinder Singh, 48, ng Villa Ramos, Barangay Abar 1st, San Jose City habang naniningil sa bayan ng Rizal.

Ayon sa report, dinampot at isinakay ng mga hindi nakilalang lalaki ang biktima sa isang berdeng van na hindi naplakahan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog