Kristen copy

KAABANG-ABANG sa big screen ang bagong hairstyle ni Kristen Stewart.

Ibinahagi ng 26-anyos na aktres sa Today show nitong Huwebes na nais niyang magpakalbo bago i-shoot ang kanyang sisimulang pelikula na Underwater, na gaganap siya bilang mechanical engineer na nagtatrabaho sa oil rig sa ilalim ng dagat. “It’s practical,” pabirong sabi niya. “I mean, I’m not going to be able to have touch-ups once they put the helmet on my head.”

Inamin ni Stewart na hindi siya ni-require na magpakalbo para sa kanyang role, bagamat iminungkahi ito ng kanyang direktor na si William Eubank.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I’ve been wanting to do this for a long time, just for novel sake,” paliwanag niya. “It feels amazing. I just want to head bang all day.”

Nitong mga nakaraang taon, mas naging bukas sa publiko si Stewart sa pagbabahagi ng kanyang buhay – ang kanyang buhok at lahat – na napakalayo kumpara noong ipino-promote pa niya ang Twilight.

“People started really caring about the details of my life when I was pretty young,” ani Stewart sa ET habang ipino-promote niya ang kanyang bagong pelikulang Personal Shopper. “And since then, the media and our interaction with celebrity has changed enormously, even in that short time period. So I kind of have navigated it naturally and adapted.” (ET Online)