Duguan at nagkabutas-butas ang katawan ng isang pedicab driver nang pagbabarilin ng armadong lalaki sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital si Ricardo Casero y Asis, 37, ng No. 2976 Mahogany Street, Barangay 145, Zone 16 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na kinilala sa alyas na “Balong”.

Sa inisyal na ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 2:10 ng madaling araw nangyari ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Nakatambay at nagpapahangin ang biktima at kanyang misis nang sumulpot si Balong at walang habas na pinagbabaril si Casero.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)