SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Pinagbabaril ng riding-in-tandem criminals ang isang public school principal habang bumibiyahe para magsumite ng report sa Department of Education (DepEd) Division Office sa Lingayen, Pangasinan, nitong Martes.

Dakong 10:50 ng umaga at sakay si Maximo Jimenez, 64, may asawa, principal ng San Vicente Elementary School sa Bayambang at taga-Bongato East, sa kanyang Honda motorcycle (AR-3222) nang mangyari ang insidente.

Sinundan umano si Jimenez ng mga armado habang patungo sa DepEd Division Office sa Lingayen at binabagtas ang Bgy. Bolingit sa San Carlos City, nang barilin ng mga armado. Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol