TARLAC CITY - Tatlong sinasabing kilabot na holdaper ang napatay matapos makipagbarilan sa pulis na may-ari ng tindahang tinangka nilang holdapin sa M. H. Del Pilar Street, Barangay Ligtasan, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni SPO1 Paul Pariñas kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay, na pinaniniwalaang mga dayo sa Tarlac City, habang ang pulis na nakapatay sa tatlo ay si SPO2 Rodolfo Villaroman, 51, nakatalaga sa Police Community Precinct-2 ng Tarlac City Police.

Dakong 11:40 ng gabi nitong Martes nang pasukin at holdapin ng mga suspek ang vape store ni Villaroman, na pinagbabaril ng mga suspek ngunit hindi tinamaan at nang gumanti ng putok gamit ang kanyang .9mm caliber pistol ay napaslang niya ang mga suspek.

Ang mga suspek ay nakalagak sa Lotus Funeral Parlor sa Barangay Sta. Cruz, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog