MAY nababasa kaming comments tungkol sa pagpasok ng mga bagong karakter sa Encantadia. Sa pagkawala raw ni Amihan (Kylie Padilla), kung sinu-sino na lang ang ipinapasok na lesser stars at halatang nagtitipid na ang production, pagdating sa talents na kinukuha nila.

Nasa book four na ang Encantadia kaya may mga pagbabago na sa characters pero naroon pa rin, maliban nga lamang kay Kylie dahil preggy na ito at magsisilang na sa July, 2017, ang original na Sang’gre na sina Pirena (Glaiza de Castro), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez) na siya ng bagong reyna ng Lireo. Naroon pa rin ang mga diwata at bago nang Sang’gre na sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kaye Valdez) at sina Ybrahim (Ruru Madrid), Aquil (Rocco Nacino), Muros (Carlo Gonzales), Hitano (Pancho Magno). Retained din sina Rochelle Pangilinan, Diana Zubiri, Neil Ryan Sese at si Alfred Vargas.

Tinanong namin si Direk Mark Reyes kung totoong nagtitipid na ang production at pumayag siyang i-quote ang sagot niya sa text message namin:

“With Enca’s success, we cast based on the need of the new characters not by personalities. We just rated 13.6 percent in nationwide survey against 12.3 percent, with the new characters and new storylines. So it proves that the audience approves of the casting of Arra (San Agustin), Marx (Topacio), Inah (de Belen) and Jake (Vargas).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

We really wanted to cast a fresh face for Amihan’s reincarnation. In this case we get Arra because she has

similarities with Kylie. And to get another named star for Arriana/ new Amihan’s role would be distracting.”

Si Arra ay finalist ng Starstruck 6 at may hawig nga siya kay Kylie. Si Marx Topacio naman ay ang hunk actor/model na boyfriend ni Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina. Ginagampanan niya ngayon ang role ni Azulan na dating ginampanan ni JayR sa 2006 Encantadia. Much better actor si Marx.

Pumasok din si Eula Valdez as Reyna Avria. Nag-guest naman si Andy Smith, husband ni Diana Zubiri bilang ang older Anthony, ang tagalupa na minahal ni Mira, para magkaroon na ng closure ang character niya at wala nang babalik pa sa mundo ng mga tao.

Mahusay din pala si Andy pero iyon lamang ang eksena niya.

Abangan, ang sagot ni Direk Mark sa tanong namin kung tulad ni Pirena na siyang katambal ni Azulan, ay magkaka-love life din sina Sang’gre Lira at Sang’gre Mira.

Ang Encantadia ay napapanood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. (NORA CALDERON)