ACAPULCO, Mexico (AP) — Umukit ng kasaysayan si Sam Querrey bilang unang American na nagwagi sa Mexican Open nang silatin si Spanish star Rafael Nadal 6-3, 7-6 (3) nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Humirit ng 19 ace si Querrey para makopo ang ikasiyam na career title.

Impresibo ang kampanya ng American sa torneo kung saan ginapi niya ang mga liyamadong karibal tulad nina fifth-seeded David Goffin, fourth-seeded Dominic Thiem, sixth-seeded Nick Kyrgios at second-seeded na si Nadal.

Natuldukan naman ang winning streak ni Nadal sa Mexico sa 14. Naging kampeon siya rito noong 2005 at 2013.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa women’s side, nakopo ni Lesia Tsurenko ng Ukraine ang ikatlong career title nang maungusan si second-seed Kristina Mladenovic ng France 6-1, 7-5.

Ranked No.50 sa world, nasungkit niya ang unang kampeonato mula nang magwagi sa Guangzhou noong September 2016