Binaril muna bago pinagtulungang pukpukin ng malaking bato sa ulo ang isang lalaki na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang biktima, 16, ng Barangay Alabang ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng hindi batid na kalibre ng baril at mga sugat sa ulo.

Nasa kustodiya na ng Muntinlupa City Police ang isa sa mga suspek, 15, ng Wawa Street, Esporias Compound, Alabang Muntinlupa City.

Patuloy ang follow-up operation ng awtoridad laban sa tatlo pang suspek na pawang menor de edad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng Southern Police District, dakong 12:30 ng hapon, nakatayo ang biktima sa Hi-Way Homes Subdivision, National Road, Bgy. Alabang nang sumulpot sa likuran nito ang nahuling suspek na armado ng baril, kasama ang tatlo pang suspek, at pinaputukan nang malapitan ang biktima.

Hindi pa nakuntento, dumampot pa umano ng mga bato ang mga suspek at ipinukpok sa ulo ang duguang biktima bago tumakas. (Bella Gamotea)