Xian copy

UNTI-UNTI nang nakikilala ang galing sa pag-arte ni Xian Lim. Ginawaran na siya ng dalawang acting award para sa pelikulang Everything About Her na pinagbidahan nina Vilma Santos at Angel Locsin last year. Kinilala sila bilang Best Supporting Actor ng GEMS at ng 15th Gawad Tanglaw.

Pinatunayan ni Xian sa kanyang mga kritiko na hindi na siya ang dating kinakantiyawan na ham actor (hindi marunong umarte) sa magkasunod na recognition na ito sa performance niya.

“I’m overwhelmed. Hindi ko in-expect na nu’ng ginagawa namin ‘yung pelikula, sobra akong kabado, ang dami kong iniisip pero ngayon ano (napansin pa).”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayon, pulos papuri ang bati sa kanya ng mga kasamahan sa showbiz.

“Hindi naman ako sanay mapuri ng ano, eh. Hindi naman tayo sanay mapuri… mas sanay ako na bina-bash noon,” pabirong sabi ni Xian.

Sino ang aktres na gusto niyang makatrabaho in the future?

“Si Arci Muñoz,” walang kaabug-abog niyang sagot.

Kaya ba niyang sabayan ang pagpapa-sexy ni Arci? Kaya ba niyang mag-topless o magpakita ng butt?

“Okey lang naman. Topless, underwear, pero ‘wag naman muna siguro ‘yung puwet,” sabay tawa. “’Yung topless, underwear scene, kung kailangan naman talaga sa story at kung hindi naman siya para lang sa kalaswaan, kung may sense naman kung bakit ginagawa, okey lang.”

Ngayong buwag na ang KimXi love team, gusto na rin niyang magsolo.

“Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon. ‘Yun lang naman ang hinihingi ko palagi sa kanila, eh. Chance lang talaga, mahirap po talagang manghingi ng chance, eh. Kaya kung bibigyan po nila ako, pagbubutihin ko naman,” sey ng aktor.

Napapanood siya ngayon sa A Love To Last kasama sina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Siya ba ang third wheel sa Bea-Ian tandem?

“Huwag namang tipong mang-aagaw ng kapareha na in the end ay magiging kontrabida,” natawang sabi niya. (ADOR SALUTA)