diaz copy

BAHAGI ng Under Armour bilang bagong Ambassador si Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz.

Ipinakilala si Diaz sa isinagawang UA Circuit Challenge nitong weekend sa Robinson’s Magnolia.

Ang UA Circuit Challenge ay ‘two-part event’, kung saan nakatakda ang ikalawang serye sa Greenbelt 3 sa Marso 4 ganap na 1:00 ng hapon. Ang naturang event ay preparasyon ng mga kalahok para sa pagsabak sa regional fitness challenge UA ‘Test of Will’ na nakatakda sa Marso 25-26 sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nasa ikalawang season ang UA ‘Test of Will’ at kasabay na isinasagawa sa Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia, at Brunei.

Ang mga kalahok ay sumasabak sa apat na minutong physical test na binubuo ng Burpees, One Arm Thruster, TRX Rows at Sandbag Throw. Bawat kalahok ay binibigyan ng iskor depende sa dami ng nagawang test sa loob ng isang minuto.

Ang mananalo sa torneo ay pagkakalooban ng libreng biyahe patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa regional finals.

Ang kampeon sa regional finals ay makapag-uuwi ng $2,500 cash prize (P88,000.00).

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.testofwill.com.