Aiko copy copy

AYAW pagtiyagaan ni Aiko Melendez ang kanyang detractors na wala nang ginawa kundi batikusin ang kanyang pigura. Nag-post kasi si Aiko sa Instagram na two piece lang ang suot niya. Unlimited ang body shaming ng kanyang bashers.

Kaysa patulan ang mga ito, mas magagandang bagay-bagay ang pinipiling pansinin ni Aiko. Mas makakabuti raw ito sa kanya.

“Sa totoo lang naman, eh, account ko naman ‘yun. I mean, IG ko naman ‘yun, so, pakialam ko sa kanila, di ba? Kung gusto nila, eh, huwag na nila akong i-follow,” banggit ng isa sa mga artista ng seryeng Wildflower.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Banggit pa ni Akikay, kung may mga bumabatikos man sa kanya ay higit pa ring mas marami ang naka-appreciate sa kanya.

“Sa totoo lang naman, eh, more than the bad comments, mas madami naman ‘yung naka-appreciate ng effort ko. Kaya care ko ba sa bashers.”

Satisfied si Aiko sa takbo ng kanyang showbiz career, samantalang zero naman ang lovelife.

“I’m very single, for those who are asking for many times now. I’m not being ano, ha? Pero I am very much single, but I’m ready to mingle. Seven months na po akong single, hindi ko lang po talaga ipinaalam sa press and sa media ‘yung breakup namin, because it’s my respect for my ex-boyfriend since hindi naman siya artista,” pag-amin ni Aiko.

Nanghinayang siyempre si Aiko na nauwi rin sa wala ang relasyon nila ng Persian businessman na si Shahin Alimizapour.

“When it comes to love, ano ‘yan, eh, it’s also a risk and gamble, hindi ba? But it doesn’t mean naman that my heart will stop falling in love. For as long as I’m alive, it’s a blessing to be loved and be in love,” nakangiting paliwanag niya.

“I dont mind dating and mingling… it will just come kapag nandiyan na ‘yan. Then doon ko pa lang malalaman if I’m ready na po,” nakangiti pa ring pahayag ng magaling na aktres na isa rin sa mga bida sa pelikulang Balatkayo ng BG Productions. (Jimi Escala)