Jo-Wilfried Tsonga

MARSEILLE, France (AP) — Nakopo ni second-seeded Jo-Wilfried Tsonga ng France ang ikalawang titulo sa loob ng dalawang linggo nang pabagsakin ang kababayan na si Lucas Pouille, 6-4, 6-4 , nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nagpamalas ng ‘all-around game’ ang 11th-ranked na si Tsonga – kabuuang 14 sa kanyang career – tampok ang pitong ace.

“This is the second week in a row that I’m heading home without a loss, it does not happen so often,” sambit ng 31-anyos na si Tsonga, nanganilangan lamang ng mahigit isang oras para tapusin ang karibal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakamit ni Tsonga, pinatalsik si defending champion Nick Kyrgios sa semifinals, ang Rotterdam title sa nakaipas na linggo para pawiin ang dalawang taong pagkauhaw sa kampeonato.