Bumagsak sa mga kamay ng mga tauhan ng Pateros Police Station ang tinaguriang “top 6 most wanted person” sa nasabing munisipalidad, nitong Biyernes ng hapon.

Naghihimas ngayon ng rehas ang suspek na si Tomtom Placido, 37, ng Quege Street, Barangay Aguho, Pateros Metro, Manila at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD) kay Pateros Police Senior Insp. Noe Medroso, dakong 5:30 ng hapon nadakip ang suspek sa sarili niyang bahay.

Hindi na nakapalag si Placido nang arestuhin siya ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pateros Regional Trial Court (RTC) Branch 262 Judge Joy Casihan Dumlao. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20