Kate, Pythos at Mikee copy

KAPAPASOK lang ni Eula Valdez sa Encantadia bilang si Reyna Avria, at susundan agad siya ni Phytos Ramirezpara gampanan ang karakter ng lumaking si Pao Pao na unang ginampanan ng child star na si Yuan Francisco.

Masayang-masaya si Phytos na napabilang din siya sa cast ng fantaserye at ipinaalala ni Direk Mark Reyes na siya ang gumanap na young Anthony sa 2005 version ng Encantadia. Natatandaan ng Encantadiks na si Mark Herras naman ang gumanap nang lumaki na si Anthony.

Kaya tama lang ang post ni Direk Mark na, “Avisala @iamphytosramirez welcome back” dahil nasa original Encantadia nga siya. Sa pagbabalik ng karakter ni Pao Pao, siya pa rin ang may hawak ng brilyante ng Diwa.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ang ganda ng picture na magkakasama sina Phytos, Mikee Quintos at Kate Valdez sa role nina Lira at Mira respectively.

Kabilang ang dalawa sa nag-congratulate kay Phytos.

May mga naunsiyami kung bakit si Phytos at hindi na lang si Rodjun Cruzang gumanap na binatang Pao Pao, ang paliwanag ng produksiyon ay kambal diwa lang ni Pao Pao si Rodjun nang lumabas ito sa fantaserye. Saka, nasa cast na siya ng Legally Blind. Hindi tama kung napapanood na siya sa Afternoon Prime ay mapapanood pa rin sa primetime slot.

(Nitz Miralles)