DIEGO copy copy

BAGAMAT alam na raw ni Sofia Andres, rumored girlfriend ni Diego Loyzaga, na matagal na itong may kinikimkim na galit sa amang si Cesar Montano ay hindi niya inaasahang ipo-post iyon ng young actor sa social media.

Matatandaang sunud-sunod ang post si Diego ng mga sama ng loob niya sa ama kaya nalaman ng publiko na hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama, hindi siya sinusuportahan maski piso, ipina-drug test siya dahil pinagbintangang adik, at pinalayas sa bahay.

Nagulat ang netizens nang mabasa ang mga pahayag ng young actor at may nagbigay ng opinyon na hindi niya dapat iyon ginawa sa ama, dahil ama pa rin niya ito at may nagpaalala pa nga na panglima ito sa 10 Commandments: ‘Honour thy Father and thy Mother.’

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

May mga nagsasabi naman na tama lang na naglabas ng galit sa dibdib ang binata kaysa kinimkim lang ito at baka kung ano pa ang mas masamang mangyari.

“Hindi ko po alam na ipo-post niya ‘yun,” kuwento ni Sofia nang mainterbyu namin sa grand media conference ng pelikulang Pwera Usog nitong nakaraang Martes ng gabi, “after na po no’n we talked about it mga ilang weeks nu’ng magkita kami kasi may trabaho po kami. Masyadong intense pa po kasi siya kaya hinayaan ko munang bumaba (ang galit).

“Sabi ko lang sa kanya nandito ako for him, to listen. Nandito ako para intindihin lahat ng kinikimkim niya, galit sa dad niya, and I’m always here to pray na sana maayos na ang lahat. Sa tingin ko po ito lang ang kaya kong ibigay sa kanya.”

Paano magalit si Diego, totoo ba ang nabalitaan namin na nagwawala ito at sinusuntok ang pader?

“Hindi naman po, kapag nagagalit po kasi siya sa akin hindi niya ako kinakausap, ganu’n lang po kami, ‘tapos kinabukasan, okay na,” sagot ng dalaga.

Ano ang latest sa mag-ama, nakapag-usap na ba?

“Hindi ko po alam, hindi rin po ako nagtatanong kasi medyo sensitive about it, medyo fresh pa po, eh.”

Nakilala na ni Sofia nang personal si Cesar.

“Na-meet ko na po siya, maayos naman ‘yung treatment niya sa akin, kumain po kami sa house nila.”

Dinipensahan niya si Diego sa bintang ni Cesar na nalululong ito sa droga at sa katunayan ay sabay daw silang nagpa-drug test at negatibo ito at alam ng Star Magic na talent management nila ang resulta.

“Mabuti pong tao si Diego, mali lang po ‘yung image niya in front of everyone na basagulero, laging nakikipag-away, adik, I know him so much at hindi totoo. Not at all na nag-drugs siya. Kasi he lost weight kaya akala po nagda-drugs siya.

“At saka nu’ng naggi-gym siya, sabay po kami. ‘Tapos parati niyang nakikita sa Instagram (komento ng followers), nag-aadik ka na naman, so nahu-hurt po siya kaya he’s doing everything to prove them wrong.

“Pero iyon talaga ina-accuse sa kanya ng mga tao. I can prove to you, guys na hindi talaga siya ‘yung masamang image na nasa utak ng tao. Hindi po siya ganu’n,” sabi ng beloved ni Diego.

Pinalalakas daw ni Sofia ang loob ng young actor at hindi puwedeng pareho silang mahina dahil walang mangyayari.

“He’s better right now, siyempre mga mahal niya sa buhay sinusuporthan siya maski na ano’ng mangyari, kasi hindi naman po namin siya pinababayaan.”

Hindi sila nakapag-date nitong nakaraang Araw ng mga Puso dahil may trabaho siya.

“Nag-guest po ako sa Showtime at kasama ko po ang family ko after the show,” sabi ni Sofia nu’ng tanungin namin kung paano nila ipinagdiwawang ang Valentine’s Day.

Humirit kami na puwede namang sa gabi sila lumabas, at maski kasama nila ang pamilya ng dalaga.

“Ha-ha, hindi po, eh, kasi kasama po ‘yung mom (Teresa Loyzaga) niya,” na nakilala na rin niya.

Napangiti ang dalaga sa huling hirit namin kung ano na ang real score nila, sabay sabing magkaibigan lang sila, as in close.

Bawal pa bang aminin na ‘sila na’?

Natawa si Sofia at napahawak sa hita namin habang nakaupo kaming magkatabi, at alam na namin ang ibig sabihin noon.

Samantala, gagampanan sa Pwera Usog ni Sofia ang karakter ni Jane, isang millennial na may prank channel sa Internet.

Brat at may kinikimkim na galit sa ama ang role niya at para mapansin ay gumawa siya ng kalokohan sa Internet na naging mitsa ng kapahamakan nilang magkakaibigan.

Aminado si Sofia na naka-experience na siya ng kababalaghan at naikuwento niya ito kay Direk Jason Paul Laxamana, ang direktor ng Pwera Usog under Regal Entertainment.

Kasama ni Sofia sa naturang pelikula sina Joseph Marco, Devon Seron, Cherise Castro, Kiko Estrada, Rommel Padilla, Albie Casino, Eula Valdez at Aiko Melendez at mapapanood na ito sa March 8 nationwide. (REGGEE BONOAN)