Amal at George copy

KINAPANAYAM ang two-time Oscar winner na si George Clooney ng French film journalist na si Laurent Weil sa programa nitong Recontres de Cinema nitong nakaraang Linggo, at inihayag niya na kambal ang magiging anak nila ng kanyang asawang si Amal Clooney.

Ngayon pa lamang magkakaanak si Clooney, na nasa kanyang 50s na.

“We are really happy and really excited,” saad ng aktor. “It’s going to be an adventure.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inamin ng star ng Money Monster, na pinarangalan sa The Caesar Awards sa France nitong weekend, na madalas siyang inaasar ng kanyang malalapit na kaibigan, na karamihan ay kaedad niya at mayroon nang malalaking anak na nasa kolehiyo na.

Ikinuwento ni George na nakasama niya kamakailan ang “very supportive” na mga kaibigan niya, at tiniyak ng mga ito sa kanya na magiging mabuti at mahusay siyang ama, at mamahalin niya ang karanasang ito.

“Then it got really quiet, and they all just started making baby crying noises,” aniya. “And the whole table just busted up laughing.”

Inspirasyon niya ang 89-anyos na French actor na si Jean-Paul Belmondo, na nagkaroon ng anak sa pangalawang asawang si Nathalie Tardiver noong 2003 sa edad na 70.

“So, I’m feeling a little better about being 56 by the time (they come),” ani George.

Lumabas ang balita na ang magkakaanak ng kambal ang mag-asawa nitong unang bahagi ng buwan nang ipahayag ni Julie Chen ang tungkol dito sa The Talk, at ibinunyag na manganganak si Amal sa Hunyo. (ET Online)