Ed copy

ANG English pop star na si Ed Sheeran ngayon ang most popular artist sa Spotify habang naghahanda sa susunod na album na kanyang ilalabas.

Nakita sa mga datos ng pinakakilalang streaming serving sa buong mundo nitong Biyernes na may 42.2 milyong tagakinig si Sheeran kada buwan – nangangahulugan narinig na ang mga awitin niya ng halos kalahati ng mahigit 100 milyong gumagamit ng Spotify.

Tinalo ni Sheeran ang R&B sensation na si The Weeknd, na nanguna noong Disyembre nang lumabas ang Starboy album nito.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Tinapos naman ng Toronto singer ang pitong buwang pangunguna sa Spotify ng kanyang mentor na si Drake.

Bumaba sa ikatlong puwesto si The Weeknd, nasa ikaapat na puwesto si Drake, at pumangalawa naman ang New York electronic dance duo na The Chainsmokers.

Marami ang nag-i-stream sa dalawang bagong awitin ni Sheeran na Shape of You, at Castle on the Hill.

Kabilang ang dalawang kanta sa pangtalong album ni Sheeran na Divide, na ilalabas sa Marso 3. (AFP)