Aljur copy

ANG sweet naman ni Aljur Abrenica, binigyan din niya ng roses ang magiging baby nila ni Kylie Padilla nitong nakaraang Valentine’s Day. Six red roses at one pink rose ang pa-Valentine’s Day ni Aljur sa kanyang mag-ina.

Bago nag-February 14, nag-dinner sina Aljur at Kylie.

“(Six) 6 roses for 6 years and 1 for our little blessing to come,” post ni Kylie sa Instagram na ni-like ni Robin Padilla at ng napakaraming iba pa na nang last time naming i-check ay umabot na sa 29,465.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Samantala, patuloy na tinatanong ng Encantadiks si Direk Mark Reyes kung kailan uli nila regular na mapapanodo sa Encantadia si Kylie. Nami-miss na nila ang karakter nitong si Reyna Amihan at natatakot silang baka hindi na ito bumalik ngayong si Danaya (Sanya Lopez) na ang pumalit sa kanya bilang reyna ng Lireo.

Lalo pang kinabahan ang fans ni Kylie nang mabasa ang post ni Direk Mark na, “Ito na lang kayang katabi ko ang mag-Amihan uli?”

Ang tinutukoy ni Direk Mark ay si Iza Calzado, ang original na Amihan sa unang Encantadia. Marami man ang pumabor sa post ni Direk Mark, alam nilang malabo itong mangyari dahil may exclusive contract sa ABS-CBN si Iza.

Post uli ni Direk Mark: “Even if we use all the 5 Brilyantes, we still can’t bring back Kylie. Bay comes first.”

(Nitz Miralles)