FIRST_140217_Karingal_Cruz-01 copy

Sumuko na kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar ang driver ng luxury car na nakabundol at nakapatay sa dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo, iniulat kahapon.

Kinilala ni Eleazar ang sumukong suspek na si Alvin San Pablo, 32, ng Amaya Subdivision, Batino Exit, Calamba, Laguna.

Base sa report ni Police Cipriano Galanida, hepe ng Quezon City District-Traffic Enforcement Unit (QCD-TEU), kinilala ang mga nasawing biktima na sina Felix Marvin Bose, 25, driver ng Zuzuki Raider (BD-57433); at Lowell Gonzalgo, 26, security guard, tubong Bulan, Sorsogon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Base sa imbestigasyon ng Traffic Sector 3, dakong 3:00 ng madaling araw nitong Pebrero 12 sinalpok ng Hummer SUV ang motorsiklo nina Bose at Gonzalgo.

Galing sa V. Luna Avenue ang Hummer SUV at nang tahakin ang Kalayaan Avenue, nag-overtake ito sa truck at basta na lamang umanong sumalubong ang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang biktima hanggang sa tumilapon ang mga ito sa kalsada.

Agad sinampahan si San Pablo ng kasong reckless imprudence in resulting to multiple homicide at abandonment of one’s own victim. (Jun Fabon)