Hindi na nakaligtas sa kamatayan ang isang Indian matapos tambangan at pagbabarilin sa ikalawang pagkakataon ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng tanghali.

Dead on the spot si Rai Bansal, 60, ng Unit RBS Building, Teodoro Street, corner 5thAvenue, Barangay 55 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Pascual, bandang 11:45 ng tanghali nangyari ang pananambang sa kahabaan ng Teodoro St.

Sakay si Bansal sa kanyang motorsiklo nang biglang mag-overtake ang suspek na sakay din sa motorsiklo at pinagbabaril ang una.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Kahit duguan nang nakahandusay ang biktima, nilapitan pa umano ito ng suspek at muling pinaputukan saka mabilis na tumakas.

Nabatid na inambush din si Bansal noong 2010, ilang metro ang layo sa kanilang bahay, ngunit nakaligtas ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)